Archive Pages Design$type=blogging

Buhay Empleyado

Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking mukha;
Naririnig ko ang mga halakhakan ng mga taong pagod sa maghapong gawa;
Punong-puno ng kung anu-anong tunog ang paligid kong tila nagwawala;
Pati mga magugulong kagamitang nagkalat sa sahig, parang wala yatang gustong kumuha.

Kahel na dingding ang magpapa-alala sa aking nakaraan;
Kasama na malalakas na tawa, mali-maling kanta at hindi inaasahang sayawan,
Isabay na din natin ang mga patagong away at hindi sinasadyang tampuhan;
Pati na din ang mala-kulog at kidlat na sigawan.

Itong masayang lugar na ito, hinding-hindi malilimot;
Sadyang ang mga taong nakalakip dito ay hindi basta ordinaryong mangalikot,
Bigla nalang napansin sa kanila mundo ko na ay nakapalibot;
Sabi nga nila, maging masaya at kalimutan ang kung ano mang problemang masalimuot.

Kaya sa araw ng aking pag-alis ako ay mananalangin;
Na sana sa sunod na pagkikita, pagkakaibigan ay ganoon pa din;
Magpapasalamat sa Panginoong sa paglalang sa akin;
Pagmamahalang nabuo, huwag sanang limutin.
Buhay Empleyado Buhay Empleyado Reviewed by Pia on 9:56:00 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.