Archive Pages Design$type=blogging

Kilalanin Ako

  • Two years old palang daw ako sabi ng nanay ko, nag-aaral na ako ng Day Care. Kasi naman, siya ang teacher namin. Haha!
  • Mahilig ako magbasa ng kamay at paa nung bata ako kapag galing sa school kasi may poso kami. Ayan tuloy ngayon, nag aala-poso ang kamay ko.
  • Noong kinder ako, kumuha kami ng ‘bestfriend’ ko noon ng papel at ni-rolyong parang sigarilyo, hinithit at, alam niyo na.. Inubo ng grabe. Muntik na akong ma-curiosity kills the cat. Haha.
  • Isa sa kinakatakutan ko ay ang aso. Mapamaliit man yan o malaki. Kinagat kasi ako ng asong nginitian ko. Aba, ako na nga itong nakikipagfriends, ako pa kinagat. Sa huli, ako pa din ang talo at sising-sisi. Buhay nga naman.
  • Medyo flawless ang binti kong malalaki ngayon, kasi noong bata pa ako, hindi ako pinapaglaro ng nanay ko sa labas ng bahay. Hanggang bato nalang ako sa mga kapitbahay na nang-iinggit.
  • Mahilig ako sa daing, tuyo at dilis. Iniisip ko palang sila, naglalaway na ako. Gaya ngayon!
  • Mahal na mahal ako ng Lolo at Lola ko. Ako ang prinsesa ng mga apo! Dahil dun, maraming away ng naganap saming magpipinsan. Hahaha!
  • Consistent akong nasa top mula pagtungtong sa school hanggang Grade 3. Umalis kasi na ang nanay ko noong grade 4 ako papuntang Maynila na lubos na ikinalungkot at ikinawalang ganang mag-aral. Hahay. So kasalanan ng Nanay? Haha! :)) 
  • First time kong mag hugas ng pinggan noong grade 5 ako. Tuwang-tuwa ako noon. Ibang-iba na sa ngayon.
  • Nakareceive ako ng unang love letter noong Grade 6 ako. Na hanggang ngayon, nasa akin pa din. :)
  • Nasa cheering squad ako noong Grade 6. Kaso di daw ako marunong sumayaw kaya pinatanggal ako ng adviser namin. Pero hindi ako umalis. Sabi ko, kakayanin ko. Pero pagkakaalala ko, napaalis pa din ako. HAHA. Doon nagsimula ang pagsumpa ko sa teacher ko, este sa pagsayaw pala.
  • Una akong nagka-crush noong daycare palang ako. Landi no? Haha.
  • Ang high school ang isa sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko.
  • Isang buong klase kaming napa-guidance ng terror naming teacher dahil sa hindi kami nakagawa ng assignment sa Chemistry.
  • Hinabol ako ng kambing dahil sa akala niya, ako ang nawawala niyang anak dahil sa mala-totoo kong ‘meiiiii meiiiiii’. Haha!
  • High school na kami noon. Sarado ang gate ng elementary school, dumaan kami sa ilalim ng gate. Buti nalang may kaunting puwang. Nakalimutan naming may kasama kaming mataba at ang ending ay niyudyod namin siya papasok. Katatapos lang ng ulan nun. Saklap.
  • First super mega ultra heartbreak ko ay noong 1st year college ako.
  • Sa usapang pagkain, mahilig ako sa sinigang na baboy. Yung maasim na maasim na magpapakilig sa akin.
  • Hindi ko pa nakikita ang Tatay ko simula ng mabuhay ako.
  • Ang nanay ko ang wonderwoman ng buhay ko. 
  • Sa lahat ng ginawa ng Diyos, ang dagat ang siyang pinakamalapit sa puso ko. Parang may kung anong enerhiya at pwersa ang nagpapakilabot at nagpapalungkot sa akin kapag nakikita ko ang napakagandang dagat.
  • Hindi naging masyadong memorable ang college life ko maliban syempre sa graduation ko.
  • Mahilig ako umupo sa malapit sa bintana kapag pauwi kami ng probinsiya. Gusto ko kasi nakikita ang mga makakapal puno na bihira ko lang makita dito sa Maynila.
  • Punong-puno ako ng pangarap na sisikapin kong tuparin.
  • Isa sa mga kinatatakutan ko ay ang mabuntis ng maaga. Mapa-rape man yan o sadya.
  • Masaya ako kapag binibigyan ako ng handwritten letter. Naniniwala kasi ako na nabubuhos pa din sa pagsulat ang emosyon ng isang tao. Kaya, sulatan mo ako ha? :)
  • Grabe ako magmahal. Sa sobrang grabe, minsan nakakalimutan ko na ang sarili. Pero sinisimulan ko nang itama ang mali. :)
Kilalanin Ako Kilalanin Ako Reviewed by Pia on 12:22:00 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.