Ang rami kong gustong isulat. Ang raming gustong pumasok sa utak ko.
Naalala ko noong unang beses akong nakapagsulat noong grade 6, sabi ng guro namin ay magsusulat at magsusulat lang kami sa loob ng labinlimang minuto. Wag naming iiisipin kung ano na ba ang nasulat namin. Kung maganda ba ito o hindi. Kung mali ba ang grammar nito o maayos naman. At ngayon, yun ulit ang gagawin ko. Ang rami kasi ng gustong lumabas sa utak ko. Kaso hindi ko maisa-isa.
Gusto ko magsulat. Gusto ko magsulat ng magsulat. Pero hindi ko alam kung para kanino o kung bakit. Basta ang alam ko, kung hindi ko ito ilalabas ay sasabog ako. Aha! Alam ko na kung bakit ako nagsusulat. Makaklimutin kasi ako. Kadalasan, nakakalimutan ko agad ang mga bagay-bagay. Kaya dati, tinutukso ako ng mga kaklase ko pati ng mga pinsan ko kasi makakalimutin ako. Minsan nakakalimutan kong nakaligo na ako. Kaya maliligo ako ulit. Minsan nakakalimutan ko ding nag-tooth brush na pala ako. Kaya mabilis maubos ang toothpaste namin. Grabe no? Minsan natutuwa ako kapag nakakalimot ako. Pero minsan, napapaiyak na ako. Gaya ng simpleng pagka-iwan ng ID sa school, tapos nagmamadali ka kasi may exam kayo. Takte! Isa yun sa hinding-hindi ko makakalimutan. Grabe yun. Ang ending, tumbling ako papuntang dorm, gumapang sa hagdan habang suot-suot ang napakataas na heels at umiiyak papuntang school habang suot ang napaka-init na business attire. Kung aircon pa sana ang room namin, why not? Eh hindi. Badtrip! Ayan na tuloy, umiinit na din ulo ko. Haha.
Hay, buhay nga naman. Marami nang nangyari. At, marami pang mangyayari. Marami pang masusulat. Marami pang hindi makakapansin. Marami pang mga taong aakalaing patay kana.
Marami Pa Akong Gustong Isulat
Reviewed by Pia
on
12:04:00 AM
Rating:
No comments: